MALOLOS, Bulacan – “Hindi totoo na ‘pag nag-comment ka (lang), ligtas ka na.”, iyan ang pahayag ni Atty. Julius Victor Degala patungkol sa malalimang diskusyon patungkol sa Cyber Libel na ginanap kahapon.
Ang diskurso ng Cyberl Libel ay isa sa mga bahaging natalakay sa idinaos na “(Dis)Covering Disasters: A Disaster Reporting Seminar” na ginanap July 14, 2014, sa Hiyas ng Bulacan Convention Center. Ang mga nagsipagdalo ng nasabing seminar ay mga 3rd year at 4th year Journalism students buhat sa Bulacan State University at La Consolacion University of the Philippines, at ilang mga social media users tulad ng mga miyembro ng Balitang Malolos Facebook Group na pinangungunahan nina Rainelda Dasas Quetua at Einnam Del Rosario Payongayong Ang Cyber Libel ay pampubliko at malisyosong paninira na inilathala sa pamamagitan ng computer Inilatag ni Atty. Degala ang kabuuang konsepto ng Cyber Libel na parte ng R.A 10175 o mas kilala sa tawag na CYBERCRIME PREVENTION ACT OF 2012. Binigyang diin din niya ang mga maling akala patungkol sa Cyber Libel, at ang mga implikasyon kung sakaling mahuhuli ng sino mang mapapatunayang nagkamit nito. Ayon kay Atty. Degala, sa mga nakaraang panahon, ang isang taong kinasuhan ng libelo ay maaaring magsumite sa sistema ng Subok Laya o Probation System kung mapapatunayan niyang ang kanyang sintensya’y hindi hihigit sa anim na taon, alinsunod na rin sa Presidential Decree No. 968. Ang Subok Laya o Probation System ay gumagarantiya sa mga taong kinasuhan na hindi sila makukulong at ang lahat ng record ng kanilang kaso sa lahat ng dokumento ng gobyerno ay mawawala. Ito ay para maiwasan ang negatibong pananaw ng lipunan sa mga ex-convict, ayon kay Atty. Degala. Ngunit dahil sa R.A. 10175, ang sintensya ng Cyber Libel ay lumalagpas ng anim hanggang sampung taon, nangangahulugan na hindi na maaaring pumasok a Subok Laya ang mapapatunayang nagkamit ng Cyber Libel. Ipinaliwanag rin niya na ang mga taong nag-like, nag-comment, at nag-share ng isang lathalain sa internet, na maituturing na libelous, ay hindi maaaring patawan ng Cyber Libel. Ang tanging maaaring kasuhan lamang ay ang siyang nagsulat ng libelous post sa internet. Ngunit, ang sino mang magkokomento sa isang post, na mapapatunayang hindi lamang nagbigay ng reaksyon sa orihinal na post ngunit nagkomento pa ng panibagong paninirang puri, ay maaaring kasuhan ng Cyber Libel. “Comment per se, in relation to the (original) post is not punishable by law. But if you make a comment that is clearly defamatory, it is libelous and considered as original post. And therefore, the person who makes that libelous comment is liable for libel.” Aniya ni Atty. Degala. “Iba po yung sa Facebook, iba po sa blog site. Sa Facebook, may original post at nagcomment ka, okay lang yun, if the comment is connected to the original post. Sa blog site, the blog owner is liable for whatever comment na nilagay sa kanyang blog.” Dagdag pa niya. Ang R.A. 10175 o ang CYBERCRIME PREVENTION ACT OF 2012, ay isang batas sa Pilipinas na naaprubahan noong Setyembre 12, 2012 at naglalayong mapanagot ang sino mang mahuhuling gumagawa ng cybersquatting, cybersex, child pornography, at identity theft. Naging kontrobersyal ito dahil sa probisyon nitong naggagawad ng Cyber Libel, na siya namang pinuna ng mga media practitioners, grupo ng mga abogado, at malaking posrsyento ng netizens sa Pilipinas. MALOLOS, Bulacan – Matagumpay na idinaos ng iba’t ibang Journalism groups sa bayan ng Bulacan ang isang seminar na tumatalakay sa mga hakbang ng nasabing lalawigan sa mga sakunang posibleng kaharapin nito.
Ang seminar, na pinamagatang “(Dis)Covering Disasters: A Disaster Reporting Seminar”, sa pangunguna ng NUJP-Bulacan, Radyo Bulacan, PPI, Mabuhay, Mabuhay Online, PromdiNews, at NewsCore, ay ginanap noong July 14, 2014, ala-una ng hapon, sa Hiyas ng Bulacan Convention Center. Ang nasabing seminar ay dinaluhan ng mga 3rd year at 4th year Journalism students buhat sa Bulacan State University at La Consolacion University of the Philippines, at ilang mga social media users tulad ng mga miyembro ng Balitang Malolos Facebook Group na pinangungunahan nina Rainelda Dasas Quetua at Einnam Del Rosario Payongayong Ang nabanggit na seminar ay naglalayung maipahiwatig sa mga estudyante mula sa mga nabanggit na unibersidad, ang mga importanteng bahagi na dapat pagtuunan ng pansin sa pamamahayag ng mga sakuna. Dagdag na layunin rin ng seminar ay maikampanya ang kahalagahan ng sapat na kaalaman, kasanayan, at abilidad ng bawat Bulakenyo upang maging handa laban sa mga kalamidad na maaaring tumama sa Bulacan. “Information is the first line of defense against disasters, sapagkat sa panahon na tayo’y tatamaan at sasagasaan ng kalamidad, tanging ang nalalaman natin ang magliligtas sa atin.” Pahayag ni G. Dino Balabo, News Editor ng Mabuhay Newspaper-Bulacan, at isa sa mga punong-abala ng naturang seminar. Nagkaroon din ng maigising talakayan hinggil sa Cyber Libel, na siyang tumalakay sa libelong nakamit sa pamamagitan ng internet. Ang gumanap na speakers ng seminar ay sina Bb. Liz Mungcal, Head ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), Atty. Julius Victor Degala. G. Dino Balabo ng Mabuhay Newspaper-Bulacan, at G. Rommel Ramos ng Radyo Bulacan. “Umaasa ako na maibabalik ang sigla ng Bocaue. ” That is how Rosalina Navarro, 61 years old, a local of Brgy. Lolomboy, Bocaue, Bulacan puts it when asked how she feels about the upcoming annual celebration of the Pagoda Festival.
|
Mga balitang bumabalangkas
sa pangaraw-araw na kasaysayan. Bea Velasco 21 Archives
November 2014
Categories
All
|