Journos from various media groups, students and human rights advocates staged a candle lighting ceremony in a call to end impunity, while observing the 5th year commemoration of the Ampatuan Massacre.
Entitled “Million Candles Campaign”, the said participants gathered at the foot of the EDSA Shrine last November 23, 2014, 6 p.m., to show solidarity and unity, signifying an urgent call for justice for the 58 victims of the Ampatuan bloodbath. Spearheaded by the Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR), the event was attended by Journalists coming from local media groups such as the National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) and Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ). Student journalists were present as well, as the Colleger Editors Guild of the Philippines (CEGP) graced the event with their outcry for immediate action through their placards. Various foreign journalists, hailing from Asian and western countries, have also joined the commemoration and have lit their candles during the candle lighting ceremony. According to Ms. Kathyrn Roja G. Raymundo, a senior staff writer of CMFR, the commemoration is under their Press Freedom Protection Program, that records the killings of journalists and other attacks and threats against press freedom as well. To further intensify the campaign, CMFR has also met with journalism student representatives four days before the event. Students from University of the Philippines- Dilliman, Polytechnic University of the Philippines, and the Bulacan State University were called for a meeting, to urge the said universities to take part of the commemoration by tweeting their messages of sympathy on the November 23, making the different social media sites, especially Twitter, to be an effective tool of spreading awareness about the Ampatuan trial. The Ampatuan Massacre was coined as “the single deadliest attack on journalists in history”, as 58 people, including 32 media workers and journalists, were brutally slaughtered while travelling in a political convoy in Maguindanao. Since November 23, 2009, the day the massacre happened, out of 193 suspects, no one has been convicted.
0 Comments
“We’re stuck in bail. That’s where we are right now—bail proceedings.”, claimed one of the prosecutors about the present status of the Ampatuan Massacre case trial.
In an exclusive interview at the Center for Media Freedom And Responsibility office, Atty. Prima Quinsayas, legal counsel of Freedom Fund for Filipino Journalists, relays detail per detail as to why the proper justice for the Ampatuan Massacre victims has not been achieved yet. According to Atty. Quinsayas, out of 193 officially accused, 70 have filed for bail petitions. “Out of 70, the court has resolved 42, 41 were granted. Forty-one police officers were allowed to post bail. Out of the remaining 28 bail petitions, the judge can only resolve 24 because DOJ has not yet rested in the bail petitions of Ulo Ampatuan and the other Ampatuan. Di pa makapageresolve si judge kasi the prosecution has not yet rested.” , she said. She also claimed that Judge Jocelyn Solis-Reyes, who is the presiding judge of the Ampatuan Case, cannot yet resolve the bail petitions of Zaldy and Unsay Ampatuan because they have asked that they’d be allowed to post an evidence in support of their petition. “December this year, Unsay Ampatuan is suppose to start presenting his evidence in support of his bail. So all the rest of the Ampatuans have already expressed that they won’t be presenting their evidence in support of bail, so the judge can already start resolving.” she added. Atty. Quinsayas also explained the system that is being used to process the bail proceedings. “If bail is being sought in a non-bailable crime like murder, what needs to be proven is a strong evidence of guilt. For you to reach a proof beyond reasonable doubt, you need to cross that line of strong evidence of guilt. Kasi kung walang strong evidence of guilt, asa ka pa? Bail only need a strong evidence of guilt. The court’s resolution on bail petitions spells as how the court views the evidence of the prosecution. The fact that 41 police officers were allowed to post bail, that means the judge is not convinced that there is strong evidence of guilt." Matagal nang nirerekomenda sa akin ng mga kaibigan ko ang Tuesdays with Morrie ni Mitch Albom. Ika nila, basahin ko raw dahil maganda raw at malalim ang librong ito. Puno raw ng aral tungkol sa buhay. Tinangka ko namang basahin ito, ngunit di ko matapos tapos. Ang dating niya sa akin ay mabagal, parang di ko ata tiipo. At bakit nga ba hindi? Sa aking pagkakaalala, tungkol ito sa isang guro na nagnanais ibahagi sa kanyang estudyante (Mitch Albom), kung ano ang kahulugan ng buhay at kamatayan, sa pamamagitan ng pagobserba nito sa kanyang buhay, habang papalapit siya sa kanyang kamatayan. Ni sa hinagap hindi ko inakalang magagamit ko pala ang paralelismo ng Tuesdays with Morrie sa pagpapakilala sa isa sa mga pinakaimportanteng guro na nagkaroon ako. Ugali ni Sir Bernardino “Dino” B. Balabo na pumasok ng tatlumpo hanggang animnapung minutong late sa kanyang klase. Suot ang kanyang nakatuck in na polo shirt, at bitbit ang kanyang napakalaking backpack sa likod, lalakad siya sa kabuuan ng CAL corridor, pumapadyak na may malalaki at mabilis na hakbang. Darating siya sa klase na mukhang bugnutin at wala sa tamang timpla, kaya walang nagtatangkang makipagngitian sa kanya. Ngunit,‘pag sinimulan na niyang basahin ang pangalan ng kanyang mga estudyante upang tiyakin ang mga present at absent, unti unting gagaan ang hangin sa loob sa paligid, at ilang saglit pa, nagtatawanan na ang lahat. Nakasanayan na niyang magbigay ng taguri sa kanyang mga estudyante. Ang apelyidong “Magno” ay nagiging “Magyes”, ang pangalang “Maey” ay nagiging “Ma-bi”, tinatawag niyang “Lea” ang isa sa mga estudyante niyang may apelyidong “Salonga”, binibiro niya ng “Mama Bear” ang isa sa mga estudyante niyang may katabaan. Mga mumunting pangbubuska at kakulitan na hindi mo aakalaing magmumula sa isa sa mga pinakapipitagang lokal na mamamahayag ng Bulacan, na kung itatapat mo sa lahat ng kanyang mga naabot na mga parangal at pagkilala, mapapakamot ka na lang ng ulo at matatawa. Hindi niya kinukuha ang kanyang leksyon mula sa isang papel. Ang curriculum na kanyang ginagamit ay hindi computerized, hindi printed. Walang nag isip o nagsulat ng kung ano ang ituturo niya. Siya mismo ang nagdedesisyon. Ang buhay at karanasan niya mismo bilang isang Journalist ang pagbabatayan ng klase. Hindi pa siya nakuntento, nag-organisa pa siya ng mga seminars para sa kanyang mga estudyante, mga seminars na walang bayad, napapanahon, at lubos na esensyal. Ito at ang mga taong ginugol niya sa kanyang serbisyo bilang isang manunulat ay s'yang magiging balangkas at lalamanin ng buong tatlong oras ng klase. At mula sa mga binabahagi niya, nahigitan nito ang naunang dalawang taong pamamalagi ng kanyang mga estudyante sa kanilang kurso. At kung iisipin na isa lang siyang part-timer, isang bagay ito na lamang niya sa ibang guro. Magsisimula ang klase mula sa kanyang pagkekwento, dadaloy sa kanyang mga nakalipas at kasalukuyang ala ala, may kaakibat pang paalala na “Kaya ko ito sinasabi sa inyo para ‘pag kayo na ang makakaranas ng mga ito, alam niyo na.”, at magtatapos sa mga bilin niyang seminars at susulating artikulo. Kung sasagad pa ang kakulitan, bubuskahin niya pa ang klase na magshift na lang sa ibang kurso dahil ang Journalism ay isang seryosong propesyon. Maraming pagkakataon na sinasagad niyang ang tatlong oras, lalo na kung napasarap ang kanyang kwento, bagay na madalas pagbuntong hingaan ng ilan sa likod ng klase. Ganyan ang pattern ng bawat hapon ng Lunes ng BAJ 3A sa piling niya. Mga maliliit na detalyeng malimit na binalewala, at siyang muling naalala noon lamang nawala siya. Ang huling ala-ala ng kanyang dalawang klase, BAJ 3A at BAJ 4A, kasama siya ay mula sa isang seminar na inorganisa ng guro. Agusto 30, Sabado, nang inabot ang certificate of recognition kay Sir Dino, ang huling sertipiko na natanggap niya, sumigaw ng “Mabuhay! Mabuhay!” ang buong BAJ 3A. Nangiti ang guro, natawa, at humarap sa klase, sabay kaway. Sa mga oras na yon, simpleng pagsakay sa biro lamang ang kaway na 'yon. Wala namang mag-aakalang kaway ng paglisan na pala ‘yon. Kung may nakahula man lang na sa sumunod na Lunes, Setyembre 1, ay mamaalam na ang guro sa kanyang mga estudyante, higit pa sa simpleng kawayan ang mangyayari. Ngunit, sa gurong katulad ni Sir Dino, may magtatangka bang isipin 'yon? Pwedeng sabihin na ang kwento sa Tuesdays with Morrie ay kahawig ng naging karanasan ng mga estudyante ni Sir Dino kasama siya. Pero may pagkakaiba rin. Sa libro, una pa lang, hinayag na ni Morrie na siya ay papanaw na. Anticipated ang kanyang kamatayan. Inaabangan. Binibilangan. Binigyan ng perspektibo ang estudyante na kahit anong araw ay iiwanan siya ng kanyang guro. Naabot niya ang dulo. Naituro niya ang kanyang bersyon ng buhay sa paglatag niya ng kanyang nalalabing mga araw sa mundo. Pinaghandaan ang daloy ng magiging klase. Biglaan ang pagkamatay ni Sir Dino. Walang nag-aabang. Walang nagbibilang. Walang nagsususpetya. Ang lahat ay umaasa na may susunod pang klase. Ang lahat ay umaasang masusundan pa ang kanyang seminar. Ang lahat ay umaasang pagbukas ng kani-kanilang Facebook account, mula kay Sir Dino ang unang notipikasyon. Parang isang malakas na pitik, yaong nakakagulat na uri ng pitik, yaong nagmamarka. Mabilis, at higit pa sa nakakabigla: nakakapanlumo. Nasa kalagitnaan pa lang ng kwento, bumaba na ang telon. Naituro niya ang bersyon niya ng buhay sa paraang ang lahat ay nahuling hindi handa, na ang lahat ay umaasa pang babalikan siya, pasasalamatan, at pararangalan pagkatapos ng kanilang pagaaral, na ang ilan ay umaasa pang makakasama siyang magsulat sa dyaryong kaniyang tahanan. Pero ang pagkakahawig nilang dalawa, ang uri ng pagpapahalaga nila sa kanilang mga estudyante. Hinugot nila sa sarili nilang buhay at mga gunita ang leksyon ng buong semestre, sa pag-asang mula sa kanilang mga personal na karanasan ay maipapasa nila ang ideyalismo at pagpapakataong kailangang matutunan ng kanilang mga tinuturuan, sa pag-asang mula sa mga personal nilang kwento ay makikita sila ng mga ito na higit pa sa pagiging guro: bilang mga kaibigan at ama na handa silang saluhin, itama, at pakinggan. At sa mga ala ala ng dalawang guro, sa mga ala alang iniwan ni Sir Dino, sisibol ang mga magpapatuloy ng kaniyang sinimulan. Paalam, Sir Dino. Maraming salamatsa lahat. Pagpapamalas ng naging papel ni Gat.Marcelo H. Del Pilar sa kasalukuyang mukha ng lokal na peryodismo sa Bulacan. Sa ganitong mensahe umikot ang naging talakayang inorganisa ng Bulacan Press Club, kasama ang ilan sa mga local na pahayagan ng lalawigan ng Bulacan tulad ng Newscore, Mabuhay, Luzon Times, Reflector, The Bulacan News Catcher , at Bulacan Herald bilang pagpupugay sa kadakilaan ni Gat. Marcelo H. Del Pilar, at bilang parte na rin ng pagdiriwang sa ika-164 na kaarawan ng nasabing bayani. Ang talakayan ay pinamagatang “Talakayan: Si Gat. Marcelo H. Del Pilar at Ang Papel ng mga Lokal na Pahayagan sa Bulacan Tungo sa Mabuting Lipunan” at naganap noong Setyembre 2, ala-una ng hapon, sa Francisco Balagtas Hall, Hiyas ng Bulacan. Ang kumperensiya ay dinaluhan ng iba’t ibang lokal na journalists sa Bulacan, mga social media users na miyembro ng Balitang Malolos Facebook Group, at mga 3rd year Journalism students ng Bulacan State University. Siyam ang nahirang na tagapagsalita ng nasabing kumperensiya, lahat ay galing sa iba’t ibang larangan. Naroon sina G.Perfecto V. Raymundo, isang dinadakilang Bulakenyong mamamahayag at isa ring associate editor ng Mabuhay; G. Bong Enriquez, isang kilalang icon ng kultura’t sining ng Bulacan; G. Isagani Giron ang kasalukuyang presidente ng Bulacan Salinlahi Inc.; ang historical researcher na si G. King Cortez; ang historian at isa ring propesor ng De La Salle University na si G. Michael Charlestion B. Chua; si G. Joey Munsayac, ang may-ari ng The Luzon Times, at isa ring kilalang mahusay na journalist at environmentalist; si G. Lamberto Santos, ang publisher ng Reflector, ang pinakamatandang lokal na pahayagan sa Bulacan; si G. Jose Roy Reyes, publisher ng The Bulacan News Catcher; at si Bro. Martin Francisco, isang misyonero, environmental icon ng Pilipinas at ang umuupong chairperson ng Sagip Sierra Madre Environmental Society. Ang bawat tagapagsalita ay naglatag ng kanilang sariling talumpati ukol sa iba’t ibang paksa. Inihayag ni G. Perfecto “Tata Piping” V. Raymundo, ang naging kasaysayan ng pamamahayag sa nasabing probinsya. Sa edad na 81, nagbigay sulyap si G.Raymundo sa simula ng mga pahayagan sa Bulacan. Aniya, taong 1898 nagsimula ang peryodismo sa Pilipinas. Binigyan din niya ng pagkilala ang mga kasalukuyang pahayagan sa Bulacan, na naroon sa nabanggit na kumperensiya. Siniwalat rin niya ang mga kakambal na sakripisyo ng sinomang nagnanais na magtatag ng isang pahayagan sa Bulacan, tulad kinakailangang bilis at liksi ng pagsagap ng mga sariwa at makabuluhang balita, sukat ng mga titik kinakailangan sa isang balita, at ang mga pinansyal na suportang malimit na nagiging isyu sa pagpapalimbag ng isang pahayagan. “May mga nagtagumpay at patuloy na naninilbihan sa mga mamamayan, sa pagpapahayag ng katotohanan. May mga umaayaw dahil sa hirap na dinaranas upang mairaos ang kada labas ng pahayagan. Kaya nga ayokong makakakita ng mga pahayagan na pinambabalot ng tinapa sapagkat ang mga salitang nakalimbag dito ay pinagisipan, pinagpaguran, at pinagpawisan sa kabila ng mga balakid ng isang pahayagan. Bawat sipi ng pahayagan nabuo ay pagsasalaysay ng katotohanan kung sino, ano, kalian, saan, paano, at bakit ng panahong kasalukuyan, upang pagsilbihan ang taumbayan.” Aniya ni G. Raymundo. Ikinwento naman ni G. Isagani Giron ang mga naging karanasan niya bilang isang media practitioner noong panahon ng Martial Law. Aniya, naging isang malaking inspirasyon sa kanya ang kabayanihan ni Gat. Del Pilar, lalo na noong mga panahon na iyon. Ayon sa kanya, iyon ding panahon na iyon ay ang nagtulak sa kanya upang magsulat ng isang tulang pinamagatang “Tulisan” at “Kristo ng Bayan”, mga tulang lumalarawan sa kalupitan ng mga Kastila at Batas Militar, sa ilalim ng pen name na Fr. Jose Eusebio. Ang tulang “Kristo ng Bayan” ay kumalat sa iba’t ibang dyaryo, at sinasabing kumakatawan sa panahon ng Martial Law. Ipinahayag naman ni G. King Cortez ang naging kontribusyon ni Gat. Marcelo H. Del Pilar sa kasaysayan ng Kataas-taasan Kagalang- galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK). Ayon sa kanyang mga dalang dokumento’t larawan, ang nabanggit na bayani ang syang tunay na utak at ama ng Katipunan, taliwas sa alam ng nakararami. Iginiit din ng historical researcher na tubong Cavite na dapat ay magkaroon ng malalimang pananaliksik upang mapatunayan ang kanyang natuklasan. Sumentro ang naging talakayan sa pagiging journalist ni Gat. Marcelo H. Del Pilar, sa pangunguna ni Prof. Michael Charlestion B. Chua. Sa kanyang presentasyon, inisa-isa ng historyador ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng nabanggit na bayani, mula sa pamumuhay ni Gat. Del Pilar sa Bulakan, Bulacan, hanggang sa paninirahan nito sa Espanya. Inilatag din ni Prof. Chua ang naging papel ng bayani sa pamamahayag, na ayon sa kanya ay ang syang tunay na nagpasimula ng kultura ng peryodismo sa organisasyon ng mga iskolar na Pilipino sa Espanya, isang bagay na hindi nagawa ng mga nauna sa kanya doon na si Gat. Jose Rizal at ng iba pang First Filipinos. Inusig naman ng propesor ang lahat ng naroon sa talakayan. Aniya, dapat ay magsumikap pa ang mga naroon upang mapagpatuloy ang mag nasimulan ng nabanggit na bayani. “Ang sabi ni Rizal: Bakit di tayo nagkaroon ng isang daang Marcelo H. Del Pilar? Bakit daw di magkaroon ng isang daang Marcelo H. Del Pilar? Ang sagot niyo: ‘Ito na po! Ito na po ang isang daang Marcelo H. del Pilar!” pagtatapos ni Prof. Chua. Mas lalo namang binigyang pagpapahalaga ni G. Joey Munsayac, isang propesor sa Polytechnic University of the Philippines at pinagpipitagang dyarista at komentarista sa radyo, ang depinisyon ng lingguhang pahayagan sa Bulacan, ang kabuuang pagtanaw sa kasalukuyang kalagayan ng ito, at papel nito sa lipunan. Aniya, dapat ay mapalakas nga presensya ng lokal na mga pahayagan sa bayan ng Bulacan, at huwag masindak sa mga ikakaso laban sa kanila. “Ang mamamahayag ay nagiging mamamahayag lamang pag nagsasabi siya ng katotohanan. Bago ka magtagumpay, huwag kang matakot humipo ng baga. Huwag kang matakot magsabi ng totoo.”, dagdag pa niya. Inisa isa naman ni G. Lamberto Santos ng Reflector ang positibo at negatibong mga pangyayaring maaaring kaharapin ng isang naglilimbag ng lingguhang pahayagan. Higit niyang binigyang pansin ang kakaharaping pinansyal na suliranin ng mga may gustong magtatag ng isa. Ngunit, higit pa sa pinansyal na problema ng isang pahayagan, mahalaga pa rin na isapuso ng mga estudyante ang pagsasabi ng katotohanan. “Nararapat lamang na bilang Journalism Students na isapuso niyo ang pagsasabi ng katotohanan. Maging mapagmatyag at mapanuri.”, aniya ni G. Santos. “Ang Media ang magpapabagsak sa gobyerno!”, matapang na pahayag naman ni G. Jose Roy Reyes ng The Bulacan News Catcher. Binigyang pansin niya ang malaking nagagawa ng media para maipahiwatig sa taumbayan ang kinakailangan nilang malaman, at isa sa mga nabanggit niyang halimbawa ay ang naging trahedya sa Madlum River, kung saan ay pitong 1st year students ang namatay. Aniya, kailangang lumawaka ng pananaw sa nasabing trahedya at sumentro sa angulo environmental reporting, sa halip na simpleng kapabayaan lamang.
Nananawagan naman ng mas malaking atensyon at media coverage si Bro. Martin Francisco, isang environmental icon at isa rin sa mga nangangalaga sa tribo ng mga Dumagat sa bayan ng Angat, upang mas maipahayag ang mga kasalukuyang nagaganap sa ating kalikasan. Ayon sa kanya, kung ang mga simpleng balita ng patayan na nagaganap lamang sa kanto ay naibabalita, dapat ay mas mabalita ang nangyayari sa kabundukan, na ayon sa kanya ay unti unting nasisira dahil sa mga iligal na gawain sa dito tulad ng iligal na pagtotroso, pagmimina, at quarrying. Bilang pagtatapos ng talakayan, sinabi ni G. Bong Enriquez, katulad ng mga naunang tagapagsalita, binigyang pagpapahalaga rin niya ang kabayanihan at naiwang ala-ala ng bayaning si . Gat. Del Pilar. Hinamon niya ang mga nagsipagdalo na ipagpatuloy ng kasalukuyang henerasyon ang mga naiwang kontribusyon ng bayani. Ang kabuuan ng talakayan ay lubo na inialay naman sa batikang mamamahayag at dyaristang si G. Bernardino B. Balabo, na syang binawian ng buhay noong nakaraang Lunes, Setyembre 1 ng taong kasalukuyan. Ang nabanggit na journalist ay may edad na 45, at yumao dulot ng atake sa puso. City of Malolos, Bulacan - Kung sino pa ang may marami at tunay na naiambag sa kasarinlan at kalayaan ng kanilang lipunan, sila pa ang tahimik at hindi nabibigyan ngsapat na karangalan. Noong nakaraang Sabado, Agosto 30, 2014, kasama ng mga kapwa ko 3rd at 4th year Journalism students ng Bulacan State University (BulSU), natunghayan namn ang isang lihim na dahan dahang binuksan sa aming harapan, patungkol sa isa sa mga bayani n ating bansa, at siya ring ka-Blakenyo nmin na si Gat. Marcelo H. Del Pilar, o mas kilala s tawag na Plaridel. Sa kumperesnsiyang pinamagatang, “Mastermind: Unang Panglalawigang Kumperensiya sa mga Kontribusyon ni Gat Marcelo H. Del Pilar sa Rebolusyon at Paghubog ng Bansa”, na ginanap sa Malolos Sports and Convention Center, ganap na ala-una ng hapon, ipinaliwanag sa amin ng pangunahing tagapagsalita na si G. King Cortez ang malaking papel na ginampanan ni Plaridel sa paghuibog sa kalayaan ng Pilipinas. Sinabi ni G. Cortez, na isang historical researcher at isang guro sa University de Manila (UdM) na si Plaridel ay ang siyang Ama t Utak ng Kataas-taas Kagalang- galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK). Isang bago at iskandalosong pahayag na siyang babaliktad sa matagal ng sinasabi na si Andres Bonifacio bilang ang Ama ng Katipunan. Postibo naman ang naging mga komento ng ilan sa mga nakasama ko sa panayam. Pahayag ni Philip Rodriguez, isang 4th year Journalism student, matagumoay ag naisagawang oanayam, at sangayon siya sa mga sinabi ni G. Cortez. Ang larawan ay galing dito “Si Marcelo nga dapat na kilalaning Pambansang Bayani dahil hindi lang sa pagsusulat kundi maingat din niyang naplano ang rebolusyon.” Dagdag pa ni Rodriguez
Nahahati naman sa tatlo ang opinion ni Alexis Sebastian, isang intern ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas o PKPP. “Una, magandang pasimula ito ng napipintong pag usbong ng mga limot na bayani. Pangalawa, nagpapatunay lang na ang kasaysayan ay mahalaga at hindi dapat baliwalain. At Pangatlo, tama lang at makatuwiran na ipaglaban ni King Cortez, kasama ng kanyang patunay, ang pagiging ‘Mastermind’ ni Marcelo Hilario Gatmaitan Del Pilar.” Ayon naman kay G. Alex Balagtas ng PJPP, dahil sa pagkakatagpo sa lihim na ito patungkol sa kiung sino talaga ang tunay na Ama ng Katipunan, pinagiisipan ng nabanggit na komisyon na hirangin bilang “Ama ng Nasyon” si Gat Plaridel. Ngunit sa kabila ng natuklasang lihim na ito, tila ba marami sa mga Bulakenyo ang walang alam at pakialam sa buhay ng kanilang Bayaning Kababayan. sa 16 na aking napanayam, 6 dito ang hindi sigurado kung ano ang pinagdiriwang na selebrasyon noong Agosto 30, 2014, 8 ang walang alam, at 2 lang ang may nalalaman ngunit narinig lang rin sa iba. Higit sa lahat, dapat unang una ang mga Bulakenyo sa pagkilala sa kanilang mga Kababayang Bayani. Higit sa lahat, dapat tayo ang siyang nagsusuri, nag aaral, nagpoprotekta, at nagmamahal sa kanila at sa lahat ng kanilang isinakripisyo’t ginawa upang matamasa ang kalayaang mayroon tayo ngayon. Nawa, ang pahayag ni G. King Cortez ay mabigyan pa ng higit na atensyon at pagkilala, at mabigyan ng sapat na espasyo si Gat. Plaridel sa hilera ng mga dapat kilalaning propagandista at rebolusyonaryo ng ating panahon. City of Malolos, Bulacan - Higit pa ang naging kontribusyon ni Gat. Marcelo H. Del Pilar sa kasaysayan ng Pilipinas sa inaakala ng lahat. Ito ang pinakamensahe ng kumperensiyang isinagawa ng mga magkakatuwang na mga organisasyon tulad ng Bulacan Salinlahi Inc., National Union of Journalists of the Philippines- Bulacan (NUJP), Radyo Bulacan, Mabuhay Newspaper, Philippine Press Institute, at ang Lokal na Pamahalaan ng Malolos bilang bahagi ng pagdiriiwang sa ika-164 na kaarawan ng bayaning si Gat. Marcelo H. Del Pilar, o mas kilala sa tawag na Tata Celo o Plaridel. Ang kumperensiya ay pinamagatang “Mastermind: Unang Panglalawigang Kumperensiya sa mga Kontribusyon ni Gat Marcelo H. Del Pilar sa Rebolusyon at Paghubog ng Bansa”. Ito rin ay isa sa mga programang inilatag para sa pagtatapos ng buwan ng Agosto bilang Buwan ng Kasaysayan. Ang nabanggit na kumperensiya ay ginanap noong Sabado, Agosto 30, 2014, sa Malolos Sports Convention, sa ganap na ala-una ng hapon. Hinirang bilang pangunahing tagapagsalita si G. King Cortez, isang historical researcher na sumesentro sa buhay ng nasabing bayani, at isa ring guro sa University de Manila (UDM) Naniniwala si G. Cortez na higit sa kanino pa man, si Plaridel ang may pinakamalaking naging bahagi sa pagbuo sa Katipunan. Aniya, si Plaridel ang siyang tunay na Ama at Utak ng Katipunan, kabaligtaran sa karaniwang sinasabi patungkol sa kasaysayan ng Kataas-taas Kagalang- galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK). Dala ang ilang mga nasaliksik niyang larawan ng mga dokumentong nakalap niya sa iba’t ibang lugar tulad ng Espanya at sa ilang bahagi ng Pilipinas, pinapatunayan niyang mali ang sinasabi ng iba na si Andres Bonifacio ng naging unang pinuno ng Katipunan. Pahayag pa ni Cortez, si Plaridel din ang siyang bumalangkas sa pinakadaloy ng rebolusyon at pag aaklas na ginawa sa loob ng bansa laban sa mga mananakop. Maliban din kay G. Cortez, nagbigay rin ng kanilang mga kuro-kuro at karagdagang impormasyon patungkol sa papel na ginagampanan ni Plaridel sa ating kasaysayan sina Abogado Jesus Ricardo Degala ng IBP Bulacan, at si G. Dino Balabo ng NUJP-Bulacan. Iginiit ng dalawa an kaugnayan ni Plaridel sa mga Bulakenyo, bilang isang abogado at mamamahayag. Malugod naming sinagot ni G. Cortez ang mga katanungang nagmula sa ilang miyembro ng mga nagsipagdalo sa panayam. Inamin niya na sa impormasyon na kanyang ibinabahagi ay marami nan g tumutuligsa sa kanya. Ngunit matapang niyang sinabi na hindi siya titigil, upang mapatunayan ang kahalagahan ni Gat. Del Pilar sa kultura at rebolusyon sa Pilipinas
Kasapi sa mga nagsipagdalo ang mga 3rd and 4th ear Journalism Students ng Bulacan State University (BULSU), 4th year Tourism students ng BulSU, ilang Communication Arts student ng La Consolacion University of the Philippines, Bulacan Salinlahi, Dep Ed- Bulacan, at ilang Social Media users na buhat sa Facebook group na Balitang Malolos Bilang pagtatapos, muling ipinaalala ni g. Cortez ang ilan samga huling sinabi ni Gat. Del Pilar, patungkol sa mga kababayan nitong Blakenyo. Aniya, naisa ipabatid ni Plaridel “na magkaisa ng loob ng mga taga Bulacan.” Bukod sa pangkultural at pangkasaysayang kontribusyon ng Bulacan sa ating bansa, bentahe rin ng nasabing lalawigan ang isa sa mga ilog nito bilang pang-akit sa mga turista: ang ilog ng Madlum.
Makikita sa loob ng Biak-na-Bato National Park, malimit daanan ang ilog ng mga hikers at mountaineers na nagnanais umakyat sa nasabing parke. Sinasabing ilan sa mga natatanging makikita sa ilog ay mga matataas na bato sa kanang bahagi nito, ang unti unting pailalim na bahagi nito sa bandang kaliwa, at hindi bato ngunit buhangin ang bumubuo sa pampang nito. Konektado rin ang Madlum River sa ilang kwebang nakapalibot sa nasabing parke. Ilan nga sa mga kwebang naroon ay ang Bayukbok Cave, Manalmon Cave, at Victoria Cave. Bukod sa mga nabanggit, may mga ilan ring mga aktibidades ang naghihintay sa ilog tulad ng: zipline, pagsakay sa balsa, at ang tanyag nitong Monkey Bridge. Kaya naman patok ang Madlum River di lamang sa mga hikers at maountaineers, kung hindi pati na rin sa mga pamilya at mga magkakabarkada , lalo na kung tag araw. Mga masasayang ala-ala Taal na taga-San Miguel, Bulacan si Alran Maniquiz. Ayon sa kanya, kahit tatlong beses pa lamang siyang nakakapunta sa Madlum River, lagi naman daw masaya ang kanyang mga ala-ala rito. Ayon sa kanya, magandang magpunta sa nasabing ilog, tag-ulan man o tag-araw. “’Pag tag-ulan, maganda magpunta doon kasi malalim ang tubig. ‘Pag tag-araw naman masarap ding maligo at mag-caving. Libot at ligo lang ang pinupunta namin doon.” Aniya ni Maniquiz. Kaya para sa kanya, nang marinig niya ang trahedyang naganap sa Madlum River noong Agusto 19, 2014, kung saan pitong 1st year Tourism students ng Bulacan State University (BulSU) ang nasawi mula sa Educational Tour na isinagawa sa nasabing ilog, gulat at kaba ang kanyang naramdaman. Ayon sa kanya, karaniwan na raw ang may nalulunod at namamatay sa nasabing ilog. “Kinabahan ako kasi ngayon lang ulit nangyari ‘yon na marami ang namatay.” Dagdag ni Maniquiz. Ayon rin kay Maniquiz, sa tuwing magpupunta sila roon para maligo, karaniwan naman daw walang bantay sa ilog. Nagkakaroon lamang daw ng bantay o guide kapag magpapaalam daw silang pumasok sa isa sa mga kweba doon. Nang tanungin naman kung may plano siyang pumunta at maligo muli sa ilog, di raw muna sa ngayon. “Sa ngayon, nakakatakot pumunta. Siguro papalipasin ko muna bago ako pumunta ulit doon.” Pagtatapos ni Maniquiz Field trip na nauwi sa ‘Failed’ trip Madalas magsagawa ng Educational Tour sa Madlum river ang College of Home Economics (CHE) ng main campus ng BulSU, kung saan galing ang pitong 1st year Tourism students na namatay noong Agusto 19, 2014. Ngunit kauna unahang nangyari sa kasaysayan ng kolehiyo ang naganap na trahedya. Ayon kay Don Henry Alfonso, isang BS HRM graduate mula sa nasabing kolehiyo, kahit noon pa mang 1st year college student siya ay nagpunta rin sila sa Madlum River bilang bahagi ng kanilang Educational Tour. Aniya, masaya ang kanyang naging karanasan sa ilog dahil unang beses niya noong mapunta siya doon. Sinubukan niya rin ang ilang mga aktibidades na naroon tulad ng zip line at Monkey Bridge. Ayon pa kay Alfonso, sa pagkakaalala niya noon, wala naman raw orientation o briefing ang naganap bago sila naligo. Aniya, pagkarating nila sa Madlum River, nagtanghalian sila, at pagkatapos ay hinayaan na silang maligo. “Dapat noong bago pumasok sa kweba ay nagkaroon ng briefing. ‘Di ko nga naiisip noon nab aka may mangyaring flash flood. Basta masaya ako noon.” Dagdag pa niya. Para sa kanya, ang nangyaring trahedya ay may hatid na leksyon para sa unibersidad, lalong lalo na sa CHE. “Sa nangyari na ito, malaking lesson sa faculty ng CHE na sa bawat tour ay responsibility pa din nilang bantayan ang mga estudyante, tulad ba ng mga grade schools na talagang bantay sarado ng mga teachers.” Aniya ni Alfonso. Ligal na Aksyon Sunod sunod namang nagsagawa ng mga Prayer Vigils at Misa ng Pakikiramay ang buong Bulacan State University, bilang pagluluksa sa sinapit ng pitong 1st year Tourism Students. Kapwa nakasuot ng itim na damit, ang mga estudyante, non-academic personnel, at mga miyembro ng administrasyon ng unibersidad ang nanguna sa mga ginanap na vigil at misa. Nahaharap rin ang pamunuan ng BulSU sa iba’t ibang kaso na isinampa ng mga pamilyang naulila ng mga biktima, at kasalukuyang iniimbesitigahan ng Kamara ang presidente ng pamantasan na si Dr. Mariano De Jesus. Noong Setyembre ng taong 2004, walong tao ang nalunod at nasawi rin sa nasabing ilog, pito ay mga bata at mga menor de edad. Ayon sa mga balita, katulad ng mga ikinamatay ng mga Tourism students, flash flood rin ang kumitil sa mga namatay noong 2004. Sinisi naman ni Gobernadora Josie Dela Cruz, na siyang dating gobernadora noong mga panahon na iyon, ang iligal na pagmimina at pagpuputol ng mga puno ang siyang naging dahilan ng flash flood. Natapos naman ang anim na taong paglaban ng Bulacan para mapahinto ang quarrying at pagmimina sa paligid ng Biak-na-Bato National Park nang lagdaan ng DENR ang isang memorandum noong Disyembre 28, 2010, na nagsasabing nilabag ng Rosemoor Mining and Development Corp, ang noo’y nagmimina sa lugar, ang Philippine Mining Act of 1995. Isinagawa ang memorandum bilang pagtugon sa apela ng Bulacan na ipatigil ang lahat ng pagmimina sa Biak na Bato upang mapanatili ang mga makasaysayang bahagi nito. Sa isang natatanging pagkakataon, nagkaisa sa harap ng matinding pagdadalamhati ang mga mag-aaral at guro ng Bulacan State University (BulSU), sa ilang serye ng Misa ng Pakikiramay na idinaos noong Biyernes, August 22, 2014, sa iba’t ibang parte ng naturang pamantasan. Nagtipon-tipon ang mga estudyante, o BulSUans, at mga miyembro ng faculties mula sa iba’t ibang kolehiyo, mga non-academic personnel, at maging ilang nakikisimpatyang magulang, sama-samang nagsuot ng itim na damit, at dumalo sa mga sunod sunod na mga misa, bilang pagpapahiwatig ng pakikiramay nila para sa mga naulila ng pitong 1st year Tourism students na nasawi sa trahedyang naganap sa Madlum River, Brgy. Sibul, San Miguel Bulacan, noong August 19, 2014. Sa isang daan at sampung taong kasaysayan ng nasabing pamantasan ay ngayon lamang ito nakaranas ng ganito, kaya’t bumubuhos at suporta at simpatya ng mga kasalukuyan at dating mag-aaral nito. Nagsimula ang unang misa sa ganap na alas-diyes ng umaga, sa BulSU Activity Center (AC). Kasabay nito ay may isinagawa ring misa sa harap ng school cashier, na pinamunuan naman BulSU Non-Academic Personnel Association (NAPA). At naging panghuli ang misa noong hapon, 5 pm, na idinaos muli sa AC. Sa panghuling misa rin isinagawa ang Candle Lighting, o ang pagtulos ng daan daang kandila, bilang handog sa mga biktima. Dumalo rito ang dalawa sa limang Vice Presidents ng BulSU na sina Vice Pres. Cecilia A. Geronimo Ed.D at Vice Pres. Nicanor C. Dela Rama Ed.D. Namataan din sa naturang misa ang mga miyembro ng iba’t ibang opisina ng unibersidad tulad ng Extension Service Office (ESO) at ang Guidance Center. Nanawagan ng pagkakaisa si Father Kent Apeña, isa sa mga paring naguna ng mga misa, na magkaisa ang buong BulSU, lalo’t ngayong nahaharap ang eskwelahan sa matinding pagsubok. Aniya, ito ang panahon para magkaisa ang puso’t isipan ng bawat isa upang makabangon muli ang pamantasan mula sa kinakaharap nitong hamon. Mula naman kay Father Ruel Arcega, ang paring nanguna sa Candle Lighting at panghuling misa, pagmamahal sa kalikasan at sama-samang pag-usad pasulong naman ang kanyang paalala sa bawat BulSUan, upang makatulong sa kasalukuyang suliranin ng paaralan. Ayon sa isang magulang dumalo sa huling misa at piniling hindi magpakilala, bilang isang magulang, hindi rason para sa kanya na hindi ipagkatiwala sa BulSU ang edukasyon ng kanyang mga anak na kasalukuyang nagaaral sa pamantasan. Ngunit giit niya, kailangang malaman ang pinagugatan ng problema, at dapat mabigyan ito ng solusyon upang hindi na maulit. Kaugnay ng mga sunod sunod na misa na ginanap noong Biyernes ay may nauna nang mga Prayer Vigils, na sunod sunod ding isinagawa naman noong Miyerkules, August 13, 2014, kung saan nagsuot din ng itim na damit ang mga BulSUans mula sa iba’t ibang kurso, karamihan ay galing sa College of Home Economics (CHE), at nakiisa sa pananalangin.
Nauwi sa isang malaking trahedya ang Bulacan Tour ng mahigit sa isang daang 1st year Tourism Students ng Bulacan State University nang anurin ng rumaragasang flash flood ang labin-dalawang estudyante ng nasabing kurso, na nagdulot ng agarang pagkamatay ng pitong estudyante. Ang pitong estudyanteng nasawi sa trahedya ay sina Mikhail Alcantara, Michelle Ann Rose Bonzo, Helena Marie Marcelo, Sean Rodney Alejo, Jeannette Rivera, Mary Magdaline Navarro, at Maiko Eleva Bartolome. Nakakdang ihatid kanyang huling hantungan si Sean Rodney Alejo ngayong araw (Sabado, August 23), habang sina Maiko Bartolome, Helena Marie Marcelo, Jeanete Rivera, at Mikhail Alcantara naman ay bukas ililibing (Linggo, Ausgut 24). Samantalang, sina Mitch Bonzo at Madel Navarro naman ay sunod na ililibing sa Miyerkules (August 27). BULAKAN, Bulacan - Bilang pakikibahagi sa paggunita sa buwan ng Agosto bilang Buwan ng Kasaysayan, matagumpay na nagdaos ang Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas (PKPP), kasama ang lokal na Pamahalaan ng lalawigan ng Bulacan, ng isang seminar na sumesentro sa kasaysayan at kultura ng nabanggit na probinsya.
Pinamagatang “Kwentong Bayan: Ang Kultura at Sining sa Lalawigan ng Bulacan sa Gitna ng Himagsikan,” ginanap ang seminar noong ika-15 ng Agosto, taong kasalukuyan, alas-otso ng umaga, sa Dambana ni Marcelo H. Del Pilar, San Nikolas, Bulakan, Bulacan. Ang seminar ay dinaluhan ng mga iba’t ibang estudyante na mula Bulacan State University Main Campus at Meneses Campus na nagtataglay ng mga kursong: Tourism, Education, at Journalism. Naroon rin sa seminar sina; G. Alex L. Balagtas, Punong Pansangay ng Bulacan-Zambales PKPP; G. J. Ruel F. Paguiligan, Kurator ng Pook Pangkasaysayang Simbahan ng Barasoain; at G. Isagani B. Giron, Pangulo ng Bulacan Salinlahi Inc. Bilang tumayong tagapagsalita ng nasabing seminar, binigyang diin ni Gng. Rheeza Santiago-Hernandez, isang kilalang personalidad sa teyatro at tanyag na eksperto sa pagluluto, ang ilang elemento ng kultura ng Pilipinas, na dito lamang sa Bulacan matatagpuan, tulad ng pag-gawa ng Puni, Borlas de Pastillas, at ang sining ng pagluluto, o mas kilala sa tawag na Kaluto. Ang Puni ay isang sinaunang pagtutupi ng dahon ng niyog, upang makabuo ng iba’t ibang hugis, tulad ng ibon, bola at iba pa, samantalang ang Borlas de Pastillas naman ay ang intrikong pag ukit at pag-gupit ng mga imahe tulad, ng mga bulaklak, at iba pang disenyo sa mga pabalat ng pastilyas. Sinasabing ang Puni ay sinimulan ng mga taga-Bulakan, Bulacan, habang ang Borlas de Pastillas naman ay sinimulan ni Luz Ocampo, taal na taga-San Miguel, Bulacan. Pinagmalaki rin ni Hernandez ang papel ng lokal na kulinarya, o Kaluto, sa pagsalamin ng ebolusyon sa ating kultura. Aniya, di tulad ng banyagang kulinarya, na binubuo lamang ng iilang dibisyon tulad ng appetizer, main dish, at dessert, ang Kaluto ay nahahati sa anim, at syang sumisimbolo sa iba’t ibang yugto ng ating kasaysayan. Ang konsepto ng Kaluto ay nagmula sa librong , “Pamanang Kaluto ng Bayan,” ni Milagros Santiagao Enriquez, isang natatanging food historian, at syang tita ni Hernandez Sinasabing may anim na yugto ang Kaluto: Sinaunang Panahon, Pananakop ng Kastila, Panahon ng Himagsikan, Panahon ng Amerikano, Panahon ng Hapon, at Panahon ng Malayang Pilipinas. Maliban sa mga nabanggit, binigyan rin ng pagpapahalaga sa seminar ay ginampanan ng mga tula at awiting Kundiman sa kasaysayan ng rebolusyon sa bansa, at ang mga naging paboritong pagkain ng ating mga bayani na sina Dr. Jose P. Rizal, Hen. Luna, Hen. Emilio Aguinaldo, at iba pa. Bukod sa pagbibigay panayam ni Hernandez, nagpakita rin ng kanilang natatanging pagtatanghal ang VSE Productions ng Bulakan, Bulacan, at nagpaunlak naman ng dalawang awitin si Bb. Trixie A. Dayrit, isang opera na mang-aawit at Alagad ng Kundiman-Unibersidad ng Pilipinas. Bilang pagtatapos, hinikayat ni Hernandez ang mga kabataan na magbalik tanaw sa ating kasaysayan at mga kinagisnang tradisyon upang mapreserba ang mga ito. “Hindi na natin kailangang mamatay ngayon para sa ating bayan, para lang maging bayani. Kailangan lang nating ipagpatuloy ang kanilang sinimulan.” Panghihikayat ni Hernandez Ni Romar Yago at Bea Velasco
City of Malolos, Bulacan - Mula nang maipasa ang pangongolekta ng Development Fee o Dev Fee noong taong 2004 kada semestre, mula sa bawat mag aaral ng Bulacan State University o BulSU, ang Partido-Pagkakaisa ng Demokratikong Mag-aaral o PDM ang nanguna sa pagtutol ng nasabing paniningil. Kaya’t noong idineklara ng Commision on Higher Education, of CHED, ang Resolution No. 221 – 2012 na nagsasaad ng pagtanggal ng Dev Fee sa lahat ng State Universities at Colleges (SUC’s), isinusulong ng partido ang agarang bisa ng nasabing resolusyon. “Mula naman noong inimplement yan (Dev Fee) noong 2014, ang lagi naming sinasabi diyan ay junk. Dapat i-junk na dahil hindi dapat sa atin sinisingil and development ng school dahil subsidy siya ng government thru capital outlay.” giit ni Noemi Calanoc, isang miyemro ng PDM. Dagdag pa ni Calanoc, ayon sa pagsasaliksik ng kanilang partido, noong 2011 pa lang ay tapos nang bayaran ng unibersidad ang pagkakautang nito sa Landbank. Ngunit sa kabila nito, mula 2012 hanggang sa taong kasalukuyan ay patuloy pa rin ang paniningil ng Dev Fee, salungat sa inilabas na resolusyon ng CHED. Dahil dito, kasalukuyang iginiit ng partido ang pagrerefund ng sobrang nakolektang Dev Fee pabalik sa mga estudyante. Magsasagawa ng konsultasyon at open forums ang partido upang malaman nila ang pulso ng mga estudyante hinggil sa nasabing resolusyon. Magsasagwa rin sila ng petition signing upang mapaabot sa administrasyon ng BulSU ang pagtutol nila sa Dev Fee “Dahil tapos na bayaran yung utang at almost 10 years na siyang (Dev Fee) sinasama sa tuition fee natin at sobra pa ng one year since bayad naman na, mula sa pag aabolish, sinama na natin yung refund.” ayon kay Calanoc. Ang Development Fee ay ang dagdag na 600 Php na sinisingil mula sa mga estudyante na diumano ay para sa mga proyekto ng nasabing unibersidad. |
Mga balitang bumabalangkas
sa pangaraw-araw na kasaysayan. Bea Velasco 21 Archives
November 2014
Categories
All
|