City of Malolos, Bulacan - Higit pa ang naging kontribusyon ni Gat. Marcelo H. Del Pilar sa kasaysayan ng Pilipinas sa inaakala ng lahat. Ito ang pinakamensahe ng kumperensiyang isinagawa ng mga magkakatuwang na mga organisasyon tulad ng Bulacan Salinlahi Inc., National Union of Journalists of the Philippines- Bulacan (NUJP), Radyo Bulacan, Mabuhay Newspaper, Philippine Press Institute, at ang Lokal na Pamahalaan ng Malolos bilang bahagi ng pagdiriiwang sa ika-164 na kaarawan ng bayaning si Gat. Marcelo H. Del Pilar, o mas kilala sa tawag na Tata Celo o Plaridel. Ang kumperensiya ay pinamagatang “Mastermind: Unang Panglalawigang Kumperensiya sa mga Kontribusyon ni Gat Marcelo H. Del Pilar sa Rebolusyon at Paghubog ng Bansa”. Ito rin ay isa sa mga programang inilatag para sa pagtatapos ng buwan ng Agosto bilang Buwan ng Kasaysayan. Ang nabanggit na kumperensiya ay ginanap noong Sabado, Agosto 30, 2014, sa Malolos Sports Convention, sa ganap na ala-una ng hapon. Hinirang bilang pangunahing tagapagsalita si G. King Cortez, isang historical researcher na sumesentro sa buhay ng nasabing bayani, at isa ring guro sa University de Manila (UDM) Naniniwala si G. Cortez na higit sa kanino pa man, si Plaridel ang may pinakamalaking naging bahagi sa pagbuo sa Katipunan. Aniya, si Plaridel ang siyang tunay na Ama at Utak ng Katipunan, kabaligtaran sa karaniwang sinasabi patungkol sa kasaysayan ng Kataas-taas Kagalang- galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK). Dala ang ilang mga nasaliksik niyang larawan ng mga dokumentong nakalap niya sa iba’t ibang lugar tulad ng Espanya at sa ilang bahagi ng Pilipinas, pinapatunayan niyang mali ang sinasabi ng iba na si Andres Bonifacio ng naging unang pinuno ng Katipunan. Pahayag pa ni Cortez, si Plaridel din ang siyang bumalangkas sa pinakadaloy ng rebolusyon at pag aaklas na ginawa sa loob ng bansa laban sa mga mananakop. Maliban din kay G. Cortez, nagbigay rin ng kanilang mga kuro-kuro at karagdagang impormasyon patungkol sa papel na ginagampanan ni Plaridel sa ating kasaysayan sina Abogado Jesus Ricardo Degala ng IBP Bulacan, at si G. Dino Balabo ng NUJP-Bulacan. Iginiit ng dalawa an kaugnayan ni Plaridel sa mga Bulakenyo, bilang isang abogado at mamamahayag. Malugod naming sinagot ni G. Cortez ang mga katanungang nagmula sa ilang miyembro ng mga nagsipagdalo sa panayam. Inamin niya na sa impormasyon na kanyang ibinabahagi ay marami nan g tumutuligsa sa kanya. Ngunit matapang niyang sinabi na hindi siya titigil, upang mapatunayan ang kahalagahan ni Gat. Del Pilar sa kultura at rebolusyon sa Pilipinas
Kasapi sa mga nagsipagdalo ang mga 3rd and 4th ear Journalism Students ng Bulacan State University (BULSU), 4th year Tourism students ng BulSU, ilang Communication Arts student ng La Consolacion University of the Philippines, Bulacan Salinlahi, Dep Ed- Bulacan, at ilang Social Media users na buhat sa Facebook group na Balitang Malolos Bilang pagtatapos, muling ipinaalala ni g. Cortez ang ilan samga huling sinabi ni Gat. Del Pilar, patungkol sa mga kababayan nitong Blakenyo. Aniya, naisa ipabatid ni Plaridel “na magkaisa ng loob ng mga taga Bulacan.”
0 Comments
Your comment will be posted after it is approved.
Leave a Reply. |
Mga balitang bumabalangkas
sa pangaraw-araw na kasaysayan. Bea Velasco 21 Archives
November 2014
Categories
All
|