City of Malolos, Bulacan - Kung sino pa ang may marami at tunay na naiambag sa kasarinlan at kalayaan ng kanilang lipunan, sila pa ang tahimik at hindi nabibigyan ngsapat na karangalan. Noong nakaraang Sabado, Agosto 30, 2014, kasama ng mga kapwa ko 3rd at 4th year Journalism students ng Bulacan State University (BulSU), natunghayan namn ang isang lihim na dahan dahang binuksan sa aming harapan, patungkol sa isa sa mga bayani n ating bansa, at siya ring ka-Blakenyo nmin na si Gat. Marcelo H. Del Pilar, o mas kilala s tawag na Plaridel. Sa kumperesnsiyang pinamagatang, “Mastermind: Unang Panglalawigang Kumperensiya sa mga Kontribusyon ni Gat Marcelo H. Del Pilar sa Rebolusyon at Paghubog ng Bansa”, na ginanap sa Malolos Sports and Convention Center, ganap na ala-una ng hapon, ipinaliwanag sa amin ng pangunahing tagapagsalita na si G. King Cortez ang malaking papel na ginampanan ni Plaridel sa paghuibog sa kalayaan ng Pilipinas. Sinabi ni G. Cortez, na isang historical researcher at isang guro sa University de Manila (UdM) na si Plaridel ay ang siyang Ama t Utak ng Kataas-taas Kagalang- galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK). Isang bago at iskandalosong pahayag na siyang babaliktad sa matagal ng sinasabi na si Andres Bonifacio bilang ang Ama ng Katipunan. Postibo naman ang naging mga komento ng ilan sa mga nakasama ko sa panayam. Pahayag ni Philip Rodriguez, isang 4th year Journalism student, matagumoay ag naisagawang oanayam, at sangayon siya sa mga sinabi ni G. Cortez. Ang larawan ay galing dito “Si Marcelo nga dapat na kilalaning Pambansang Bayani dahil hindi lang sa pagsusulat kundi maingat din niyang naplano ang rebolusyon.” Dagdag pa ni Rodriguez
Nahahati naman sa tatlo ang opinion ni Alexis Sebastian, isang intern ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas o PKPP. “Una, magandang pasimula ito ng napipintong pag usbong ng mga limot na bayani. Pangalawa, nagpapatunay lang na ang kasaysayan ay mahalaga at hindi dapat baliwalain. At Pangatlo, tama lang at makatuwiran na ipaglaban ni King Cortez, kasama ng kanyang patunay, ang pagiging ‘Mastermind’ ni Marcelo Hilario Gatmaitan Del Pilar.” Ayon naman kay G. Alex Balagtas ng PJPP, dahil sa pagkakatagpo sa lihim na ito patungkol sa kiung sino talaga ang tunay na Ama ng Katipunan, pinagiisipan ng nabanggit na komisyon na hirangin bilang “Ama ng Nasyon” si Gat Plaridel. Ngunit sa kabila ng natuklasang lihim na ito, tila ba marami sa mga Bulakenyo ang walang alam at pakialam sa buhay ng kanilang Bayaning Kababayan. sa 16 na aking napanayam, 6 dito ang hindi sigurado kung ano ang pinagdiriwang na selebrasyon noong Agosto 30, 2014, 8 ang walang alam, at 2 lang ang may nalalaman ngunit narinig lang rin sa iba. Higit sa lahat, dapat unang una ang mga Bulakenyo sa pagkilala sa kanilang mga Kababayang Bayani. Higit sa lahat, dapat tayo ang siyang nagsusuri, nag aaral, nagpoprotekta, at nagmamahal sa kanila at sa lahat ng kanilang isinakripisyo’t ginawa upang matamasa ang kalayaang mayroon tayo ngayon. Nawa, ang pahayag ni G. King Cortez ay mabigyan pa ng higit na atensyon at pagkilala, at mabigyan ng sapat na espasyo si Gat. Plaridel sa hilera ng mga dapat kilalaning propagandista at rebolusyonaryo ng ating panahon.
0 Comments
City of Malolos, Bulacan - Higit pa ang naging kontribusyon ni Gat. Marcelo H. Del Pilar sa kasaysayan ng Pilipinas sa inaakala ng lahat. Ito ang pinakamensahe ng kumperensiyang isinagawa ng mga magkakatuwang na mga organisasyon tulad ng Bulacan Salinlahi Inc., National Union of Journalists of the Philippines- Bulacan (NUJP), Radyo Bulacan, Mabuhay Newspaper, Philippine Press Institute, at ang Lokal na Pamahalaan ng Malolos bilang bahagi ng pagdiriiwang sa ika-164 na kaarawan ng bayaning si Gat. Marcelo H. Del Pilar, o mas kilala sa tawag na Tata Celo o Plaridel. Ang kumperensiya ay pinamagatang “Mastermind: Unang Panglalawigang Kumperensiya sa mga Kontribusyon ni Gat Marcelo H. Del Pilar sa Rebolusyon at Paghubog ng Bansa”. Ito rin ay isa sa mga programang inilatag para sa pagtatapos ng buwan ng Agosto bilang Buwan ng Kasaysayan. Ang nabanggit na kumperensiya ay ginanap noong Sabado, Agosto 30, 2014, sa Malolos Sports Convention, sa ganap na ala-una ng hapon. Hinirang bilang pangunahing tagapagsalita si G. King Cortez, isang historical researcher na sumesentro sa buhay ng nasabing bayani, at isa ring guro sa University de Manila (UDM) Naniniwala si G. Cortez na higit sa kanino pa man, si Plaridel ang may pinakamalaking naging bahagi sa pagbuo sa Katipunan. Aniya, si Plaridel ang siyang tunay na Ama at Utak ng Katipunan, kabaligtaran sa karaniwang sinasabi patungkol sa kasaysayan ng Kataas-taas Kagalang- galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK). Dala ang ilang mga nasaliksik niyang larawan ng mga dokumentong nakalap niya sa iba’t ibang lugar tulad ng Espanya at sa ilang bahagi ng Pilipinas, pinapatunayan niyang mali ang sinasabi ng iba na si Andres Bonifacio ng naging unang pinuno ng Katipunan. Pahayag pa ni Cortez, si Plaridel din ang siyang bumalangkas sa pinakadaloy ng rebolusyon at pag aaklas na ginawa sa loob ng bansa laban sa mga mananakop. Maliban din kay G. Cortez, nagbigay rin ng kanilang mga kuro-kuro at karagdagang impormasyon patungkol sa papel na ginagampanan ni Plaridel sa ating kasaysayan sina Abogado Jesus Ricardo Degala ng IBP Bulacan, at si G. Dino Balabo ng NUJP-Bulacan. Iginiit ng dalawa an kaugnayan ni Plaridel sa mga Bulakenyo, bilang isang abogado at mamamahayag. Malugod naming sinagot ni G. Cortez ang mga katanungang nagmula sa ilang miyembro ng mga nagsipagdalo sa panayam. Inamin niya na sa impormasyon na kanyang ibinabahagi ay marami nan g tumutuligsa sa kanya. Ngunit matapang niyang sinabi na hindi siya titigil, upang mapatunayan ang kahalagahan ni Gat. Del Pilar sa kultura at rebolusyon sa Pilipinas
Kasapi sa mga nagsipagdalo ang mga 3rd and 4th ear Journalism Students ng Bulacan State University (BULSU), 4th year Tourism students ng BulSU, ilang Communication Arts student ng La Consolacion University of the Philippines, Bulacan Salinlahi, Dep Ed- Bulacan, at ilang Social Media users na buhat sa Facebook group na Balitang Malolos Bilang pagtatapos, muling ipinaalala ni g. Cortez ang ilan samga huling sinabi ni Gat. Del Pilar, patungkol sa mga kababayan nitong Blakenyo. Aniya, naisa ipabatid ni Plaridel “na magkaisa ng loob ng mga taga Bulacan.” Bukod sa pangkultural at pangkasaysayang kontribusyon ng Bulacan sa ating bansa, bentahe rin ng nasabing lalawigan ang isa sa mga ilog nito bilang pang-akit sa mga turista: ang ilog ng Madlum.
Makikita sa loob ng Biak-na-Bato National Park, malimit daanan ang ilog ng mga hikers at mountaineers na nagnanais umakyat sa nasabing parke. Sinasabing ilan sa mga natatanging makikita sa ilog ay mga matataas na bato sa kanang bahagi nito, ang unti unting pailalim na bahagi nito sa bandang kaliwa, at hindi bato ngunit buhangin ang bumubuo sa pampang nito. Konektado rin ang Madlum River sa ilang kwebang nakapalibot sa nasabing parke. Ilan nga sa mga kwebang naroon ay ang Bayukbok Cave, Manalmon Cave, at Victoria Cave. Bukod sa mga nabanggit, may mga ilan ring mga aktibidades ang naghihintay sa ilog tulad ng: zipline, pagsakay sa balsa, at ang tanyag nitong Monkey Bridge. Kaya naman patok ang Madlum River di lamang sa mga hikers at maountaineers, kung hindi pati na rin sa mga pamilya at mga magkakabarkada , lalo na kung tag araw. Mga masasayang ala-ala Taal na taga-San Miguel, Bulacan si Alran Maniquiz. Ayon sa kanya, kahit tatlong beses pa lamang siyang nakakapunta sa Madlum River, lagi naman daw masaya ang kanyang mga ala-ala rito. Ayon sa kanya, magandang magpunta sa nasabing ilog, tag-ulan man o tag-araw. “’Pag tag-ulan, maganda magpunta doon kasi malalim ang tubig. ‘Pag tag-araw naman masarap ding maligo at mag-caving. Libot at ligo lang ang pinupunta namin doon.” Aniya ni Maniquiz. Kaya para sa kanya, nang marinig niya ang trahedyang naganap sa Madlum River noong Agusto 19, 2014, kung saan pitong 1st year Tourism students ng Bulacan State University (BulSU) ang nasawi mula sa Educational Tour na isinagawa sa nasabing ilog, gulat at kaba ang kanyang naramdaman. Ayon sa kanya, karaniwan na raw ang may nalulunod at namamatay sa nasabing ilog. “Kinabahan ako kasi ngayon lang ulit nangyari ‘yon na marami ang namatay.” Dagdag ni Maniquiz. Ayon rin kay Maniquiz, sa tuwing magpupunta sila roon para maligo, karaniwan naman daw walang bantay sa ilog. Nagkakaroon lamang daw ng bantay o guide kapag magpapaalam daw silang pumasok sa isa sa mga kweba doon. Nang tanungin naman kung may plano siyang pumunta at maligo muli sa ilog, di raw muna sa ngayon. “Sa ngayon, nakakatakot pumunta. Siguro papalipasin ko muna bago ako pumunta ulit doon.” Pagtatapos ni Maniquiz Field trip na nauwi sa ‘Failed’ trip Madalas magsagawa ng Educational Tour sa Madlum river ang College of Home Economics (CHE) ng main campus ng BulSU, kung saan galing ang pitong 1st year Tourism students na namatay noong Agusto 19, 2014. Ngunit kauna unahang nangyari sa kasaysayan ng kolehiyo ang naganap na trahedya. Ayon kay Don Henry Alfonso, isang BS HRM graduate mula sa nasabing kolehiyo, kahit noon pa mang 1st year college student siya ay nagpunta rin sila sa Madlum River bilang bahagi ng kanilang Educational Tour. Aniya, masaya ang kanyang naging karanasan sa ilog dahil unang beses niya noong mapunta siya doon. Sinubukan niya rin ang ilang mga aktibidades na naroon tulad ng zip line at Monkey Bridge. Ayon pa kay Alfonso, sa pagkakaalala niya noon, wala naman raw orientation o briefing ang naganap bago sila naligo. Aniya, pagkarating nila sa Madlum River, nagtanghalian sila, at pagkatapos ay hinayaan na silang maligo. “Dapat noong bago pumasok sa kweba ay nagkaroon ng briefing. ‘Di ko nga naiisip noon nab aka may mangyaring flash flood. Basta masaya ako noon.” Dagdag pa niya. Para sa kanya, ang nangyaring trahedya ay may hatid na leksyon para sa unibersidad, lalong lalo na sa CHE. “Sa nangyari na ito, malaking lesson sa faculty ng CHE na sa bawat tour ay responsibility pa din nilang bantayan ang mga estudyante, tulad ba ng mga grade schools na talagang bantay sarado ng mga teachers.” Aniya ni Alfonso. Ligal na Aksyon Sunod sunod namang nagsagawa ng mga Prayer Vigils at Misa ng Pakikiramay ang buong Bulacan State University, bilang pagluluksa sa sinapit ng pitong 1st year Tourism Students. Kapwa nakasuot ng itim na damit, ang mga estudyante, non-academic personnel, at mga miyembro ng administrasyon ng unibersidad ang nanguna sa mga ginanap na vigil at misa. Nahaharap rin ang pamunuan ng BulSU sa iba’t ibang kaso na isinampa ng mga pamilyang naulila ng mga biktima, at kasalukuyang iniimbesitigahan ng Kamara ang presidente ng pamantasan na si Dr. Mariano De Jesus. Noong Setyembre ng taong 2004, walong tao ang nalunod at nasawi rin sa nasabing ilog, pito ay mga bata at mga menor de edad. Ayon sa mga balita, katulad ng mga ikinamatay ng mga Tourism students, flash flood rin ang kumitil sa mga namatay noong 2004. Sinisi naman ni Gobernadora Josie Dela Cruz, na siyang dating gobernadora noong mga panahon na iyon, ang iligal na pagmimina at pagpuputol ng mga puno ang siyang naging dahilan ng flash flood. Natapos naman ang anim na taong paglaban ng Bulacan para mapahinto ang quarrying at pagmimina sa paligid ng Biak-na-Bato National Park nang lagdaan ng DENR ang isang memorandum noong Disyembre 28, 2010, na nagsasabing nilabag ng Rosemoor Mining and Development Corp, ang noo’y nagmimina sa lugar, ang Philippine Mining Act of 1995. Isinagawa ang memorandum bilang pagtugon sa apela ng Bulacan na ipatigil ang lahat ng pagmimina sa Biak na Bato upang mapanatili ang mga makasaysayang bahagi nito. Sa isang natatanging pagkakataon, nagkaisa sa harap ng matinding pagdadalamhati ang mga mag-aaral at guro ng Bulacan State University (BulSU), sa ilang serye ng Misa ng Pakikiramay na idinaos noong Biyernes, August 22, 2014, sa iba’t ibang parte ng naturang pamantasan. Nagtipon-tipon ang mga estudyante, o BulSUans, at mga miyembro ng faculties mula sa iba’t ibang kolehiyo, mga non-academic personnel, at maging ilang nakikisimpatyang magulang, sama-samang nagsuot ng itim na damit, at dumalo sa mga sunod sunod na mga misa, bilang pagpapahiwatig ng pakikiramay nila para sa mga naulila ng pitong 1st year Tourism students na nasawi sa trahedyang naganap sa Madlum River, Brgy. Sibul, San Miguel Bulacan, noong August 19, 2014. Sa isang daan at sampung taong kasaysayan ng nasabing pamantasan ay ngayon lamang ito nakaranas ng ganito, kaya’t bumubuhos at suporta at simpatya ng mga kasalukuyan at dating mag-aaral nito. Nagsimula ang unang misa sa ganap na alas-diyes ng umaga, sa BulSU Activity Center (AC). Kasabay nito ay may isinagawa ring misa sa harap ng school cashier, na pinamunuan naman BulSU Non-Academic Personnel Association (NAPA). At naging panghuli ang misa noong hapon, 5 pm, na idinaos muli sa AC. Sa panghuling misa rin isinagawa ang Candle Lighting, o ang pagtulos ng daan daang kandila, bilang handog sa mga biktima. Dumalo rito ang dalawa sa limang Vice Presidents ng BulSU na sina Vice Pres. Cecilia A. Geronimo Ed.D at Vice Pres. Nicanor C. Dela Rama Ed.D. Namataan din sa naturang misa ang mga miyembro ng iba’t ibang opisina ng unibersidad tulad ng Extension Service Office (ESO) at ang Guidance Center. Nanawagan ng pagkakaisa si Father Kent Apeña, isa sa mga paring naguna ng mga misa, na magkaisa ang buong BulSU, lalo’t ngayong nahaharap ang eskwelahan sa matinding pagsubok. Aniya, ito ang panahon para magkaisa ang puso’t isipan ng bawat isa upang makabangon muli ang pamantasan mula sa kinakaharap nitong hamon. Mula naman kay Father Ruel Arcega, ang paring nanguna sa Candle Lighting at panghuling misa, pagmamahal sa kalikasan at sama-samang pag-usad pasulong naman ang kanyang paalala sa bawat BulSUan, upang makatulong sa kasalukuyang suliranin ng paaralan. Ayon sa isang magulang dumalo sa huling misa at piniling hindi magpakilala, bilang isang magulang, hindi rason para sa kanya na hindi ipagkatiwala sa BulSU ang edukasyon ng kanyang mga anak na kasalukuyang nagaaral sa pamantasan. Ngunit giit niya, kailangang malaman ang pinagugatan ng problema, at dapat mabigyan ito ng solusyon upang hindi na maulit. Kaugnay ng mga sunod sunod na misa na ginanap noong Biyernes ay may nauna nang mga Prayer Vigils, na sunod sunod ding isinagawa naman noong Miyerkules, August 13, 2014, kung saan nagsuot din ng itim na damit ang mga BulSUans mula sa iba’t ibang kurso, karamihan ay galing sa College of Home Economics (CHE), at nakiisa sa pananalangin.
Nauwi sa isang malaking trahedya ang Bulacan Tour ng mahigit sa isang daang 1st year Tourism Students ng Bulacan State University nang anurin ng rumaragasang flash flood ang labin-dalawang estudyante ng nasabing kurso, na nagdulot ng agarang pagkamatay ng pitong estudyante. Ang pitong estudyanteng nasawi sa trahedya ay sina Mikhail Alcantara, Michelle Ann Rose Bonzo, Helena Marie Marcelo, Sean Rodney Alejo, Jeannette Rivera, Mary Magdaline Navarro, at Maiko Eleva Bartolome. Nakakdang ihatid kanyang huling hantungan si Sean Rodney Alejo ngayong araw (Sabado, August 23), habang sina Maiko Bartolome, Helena Marie Marcelo, Jeanete Rivera, at Mikhail Alcantara naman ay bukas ililibing (Linggo, Ausgut 24). Samantalang, sina Mitch Bonzo at Madel Navarro naman ay sunod na ililibing sa Miyerkules (August 27). BULAKAN, Bulacan - Bilang pakikibahagi sa paggunita sa buwan ng Agosto bilang Buwan ng Kasaysayan, matagumpay na nagdaos ang Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas (PKPP), kasama ang lokal na Pamahalaan ng lalawigan ng Bulacan, ng isang seminar na sumesentro sa kasaysayan at kultura ng nabanggit na probinsya.
Pinamagatang “Kwentong Bayan: Ang Kultura at Sining sa Lalawigan ng Bulacan sa Gitna ng Himagsikan,” ginanap ang seminar noong ika-15 ng Agosto, taong kasalukuyan, alas-otso ng umaga, sa Dambana ni Marcelo H. Del Pilar, San Nikolas, Bulakan, Bulacan. Ang seminar ay dinaluhan ng mga iba’t ibang estudyante na mula Bulacan State University Main Campus at Meneses Campus na nagtataglay ng mga kursong: Tourism, Education, at Journalism. Naroon rin sa seminar sina; G. Alex L. Balagtas, Punong Pansangay ng Bulacan-Zambales PKPP; G. J. Ruel F. Paguiligan, Kurator ng Pook Pangkasaysayang Simbahan ng Barasoain; at G. Isagani B. Giron, Pangulo ng Bulacan Salinlahi Inc. Bilang tumayong tagapagsalita ng nasabing seminar, binigyang diin ni Gng. Rheeza Santiago-Hernandez, isang kilalang personalidad sa teyatro at tanyag na eksperto sa pagluluto, ang ilang elemento ng kultura ng Pilipinas, na dito lamang sa Bulacan matatagpuan, tulad ng pag-gawa ng Puni, Borlas de Pastillas, at ang sining ng pagluluto, o mas kilala sa tawag na Kaluto. Ang Puni ay isang sinaunang pagtutupi ng dahon ng niyog, upang makabuo ng iba’t ibang hugis, tulad ng ibon, bola at iba pa, samantalang ang Borlas de Pastillas naman ay ang intrikong pag ukit at pag-gupit ng mga imahe tulad, ng mga bulaklak, at iba pang disenyo sa mga pabalat ng pastilyas. Sinasabing ang Puni ay sinimulan ng mga taga-Bulakan, Bulacan, habang ang Borlas de Pastillas naman ay sinimulan ni Luz Ocampo, taal na taga-San Miguel, Bulacan. Pinagmalaki rin ni Hernandez ang papel ng lokal na kulinarya, o Kaluto, sa pagsalamin ng ebolusyon sa ating kultura. Aniya, di tulad ng banyagang kulinarya, na binubuo lamang ng iilang dibisyon tulad ng appetizer, main dish, at dessert, ang Kaluto ay nahahati sa anim, at syang sumisimbolo sa iba’t ibang yugto ng ating kasaysayan. Ang konsepto ng Kaluto ay nagmula sa librong , “Pamanang Kaluto ng Bayan,” ni Milagros Santiagao Enriquez, isang natatanging food historian, at syang tita ni Hernandez Sinasabing may anim na yugto ang Kaluto: Sinaunang Panahon, Pananakop ng Kastila, Panahon ng Himagsikan, Panahon ng Amerikano, Panahon ng Hapon, at Panahon ng Malayang Pilipinas. Maliban sa mga nabanggit, binigyan rin ng pagpapahalaga sa seminar ay ginampanan ng mga tula at awiting Kundiman sa kasaysayan ng rebolusyon sa bansa, at ang mga naging paboritong pagkain ng ating mga bayani na sina Dr. Jose P. Rizal, Hen. Luna, Hen. Emilio Aguinaldo, at iba pa. Bukod sa pagbibigay panayam ni Hernandez, nagpakita rin ng kanilang natatanging pagtatanghal ang VSE Productions ng Bulakan, Bulacan, at nagpaunlak naman ng dalawang awitin si Bb. Trixie A. Dayrit, isang opera na mang-aawit at Alagad ng Kundiman-Unibersidad ng Pilipinas. Bilang pagtatapos, hinikayat ni Hernandez ang mga kabataan na magbalik tanaw sa ating kasaysayan at mga kinagisnang tradisyon upang mapreserba ang mga ito. “Hindi na natin kailangang mamatay ngayon para sa ating bayan, para lang maging bayani. Kailangan lang nating ipagpatuloy ang kanilang sinimulan.” Panghihikayat ni Hernandez Ni Romar Yago at Bea Velasco
City of Malolos, Bulacan - Mula nang maipasa ang pangongolekta ng Development Fee o Dev Fee noong taong 2004 kada semestre, mula sa bawat mag aaral ng Bulacan State University o BulSU, ang Partido-Pagkakaisa ng Demokratikong Mag-aaral o PDM ang nanguna sa pagtutol ng nasabing paniningil. Kaya’t noong idineklara ng Commision on Higher Education, of CHED, ang Resolution No. 221 – 2012 na nagsasaad ng pagtanggal ng Dev Fee sa lahat ng State Universities at Colleges (SUC’s), isinusulong ng partido ang agarang bisa ng nasabing resolusyon. “Mula naman noong inimplement yan (Dev Fee) noong 2014, ang lagi naming sinasabi diyan ay junk. Dapat i-junk na dahil hindi dapat sa atin sinisingil and development ng school dahil subsidy siya ng government thru capital outlay.” giit ni Noemi Calanoc, isang miyemro ng PDM. Dagdag pa ni Calanoc, ayon sa pagsasaliksik ng kanilang partido, noong 2011 pa lang ay tapos nang bayaran ng unibersidad ang pagkakautang nito sa Landbank. Ngunit sa kabila nito, mula 2012 hanggang sa taong kasalukuyan ay patuloy pa rin ang paniningil ng Dev Fee, salungat sa inilabas na resolusyon ng CHED. Dahil dito, kasalukuyang iginiit ng partido ang pagrerefund ng sobrang nakolektang Dev Fee pabalik sa mga estudyante. Magsasagawa ng konsultasyon at open forums ang partido upang malaman nila ang pulso ng mga estudyante hinggil sa nasabing resolusyon. Magsasagwa rin sila ng petition signing upang mapaabot sa administrasyon ng BulSU ang pagtutol nila sa Dev Fee “Dahil tapos na bayaran yung utang at almost 10 years na siyang (Dev Fee) sinasama sa tuition fee natin at sobra pa ng one year since bayad naman na, mula sa pag aabolish, sinama na natin yung refund.” ayon kay Calanoc. Ang Development Fee ay ang dagdag na 600 Php na sinisingil mula sa mga estudyante na diumano ay para sa mga proyekto ng nasabing unibersidad. City of Malolos, Bulacan - Isa ang isyung Development Fee o Dev Fee sa mga hindi matapos tapos na diskusyon sa loob ng Bulacan State University. Umigting pa lalo ang usapan hinggil dito nang naglabas ng resolusyon an Commision on Higher Education o CHED noong 2012, na nagsasabing ang nabanggit na bayarin ay iligal at dapat nang itigil.
Noong unang isinama ang Dev Fee sa bayarin ng bawat estudyante noong 2004, ang Partido-Pagkakaisa ng Demokratikong Mag-aaral o PDM, isang politikal na organisasyon sa loob ng unibersidad, ang nanguna sa pagtutol nito. Sa loob ng sampung taon, mula 2004 hanggang sa taong kasalukuyan, nagsagawa ang partido ng mga konsultasyon, open forums, at kilos protesta, kaakibat ang masang estudyante, upang maiparating sa administrasyon ng nasabing unibersidad ang mariin nilang pagtuligsa laban sa Dev Fee. Nanatili naming tahimik ang Alliance of Students for Action and Progress o ASAP, isa ring politikal na organisasyon sa BulSU, patungkol sa naiulat na bayarin. Ayon sa kanila, esensyal ang pangongolekta ng Dev Fee dahil ayon sa kanila, ito naman daw ay nagagamit para sa ikabubuti ng unibersidad. Ngunit, ang paniniwala nilang ito’y naiba simula nang madeklara ng CHED ang Dev Fee bilang iligal. Ayon sa ASAP, sa pangunguna ng SG President na si Michael Santos na nagmula sa kanilang partido, nagsasagawa nasila ng mga aksyon hinggil dito. Nang itanong naman kung payag ba sila sa refund, parehong sinabi ng mga partido na kasalukuyan nilang pinagaaralan at isinusulong ito. Iba-iba naman ang naging reaksyon ng masang estudyante tungkol sa usapin ng Dev Fee, ngunit karamihan sa kanila’y may magkakaparehong opinyon. Ayon kay Reyel Inocencio ng College of Arts and Letters, sumasang-ayon siya sa refund ngunit hindi dapat mapunta sa mga estudyante ang maibabalik sa salapi. “Kailangan sa magulang mapunta o dapat may consent ng magulang para makuha (nila ang refund)”, ayon kay Inocencio. Ayon naman kay Kim Novie Pagdanganan, isang 4th year Broadcasting student, sangayon rin siya sa pagrerefund ngunit ang tanong niya ay kung paano maibabalik sa estudyante ang pera. “Siguro iawas na lang sa tuition fee.” Dagdag pa ni Pagdanganan. Saad naman ni Daniel Briongos, 3rd year student ng parehong kurso, hindi naman raw niya dama ang epekto ngDev Fee na siningil mula sa kanya. Mas mabuti pa raw na tanggalin ito. Ang sabi naman ni Ronna Jane Manzanes, ComTech student, hindi niya alam ang nasabing resolusyon ng CHED. Ang tanging alam lang daw niya ang sinasabing refund ng Dev Fee, at ayon sa kanya, pumapayag siya rito. Mabagal naman raw ang development na dapat sana’y hated ng sinisingil sa kanyang 500 Php Dev Fee, ayon kay Eldrid Genesis Santos ng Bachelor of Science in Information Technology. Hindi niya raw dama ang pagbabago kaya’t mainam pa raw na ibalik nalang sa estudyante ang nasabing halaga. “Dapat magkaroon ng refund kasi CHED na ang nag-order na iligal ang Development Fee, kaya dapat na ibalik lang.” Dagdag pa ni Santos. Hindi naman natutuwa sa Development Fee si Irish Kate Reyes, isang Computer Engineering student. Aniya, katulad ng mga naunang opinyon, ibalik na lang daw sa estudyante angDev Fee. “Pinaglololoko lang nila ang mga estudyante. Ok lang naman kung nagagamit ng tama. Kaya lang di ko ‘yon makita eh. Ngayon ko lang nakikita in terms of renovations sa BSU, kung kalian nagkaron ng issue about sa refund ng development fee. Kalokohan yan.” Angal ni Reyes. Refund din ang sabi ni Vince AljoNacar, isang BSIT student rin. “Sa dami-dami natin na students na nagbabayad non, tiyak malaki na (ang) nalilikom nila pero di ko maramdaman na nagkakaroon nang development ang BSU.” agam agam ni Nacar Ayon naman kay Cherry Anne Rivera ng parehong kurso, ayon sa kanyang mga pinagtanungang kaibigan ay wala naman raw silang binabayarang Development Fee sa kanikanilang unibersidad. Ang tanong niya ay kung bakit sa BulSU ay mayroong Dev Fee na binabayaran ang mga estudyante, gayong sa ibang eskwelahan naman ay wala. Neutral naman ang palagayni Salve AngeluzDalmacio, isang 2nd year Journalism student. “Sa tingin ko po kasi, nagamit nang unibersidad ang fees saiba't ibang projects na sa tingin ko naman ay nakinabang ang mga estudyante kahit papaano. Ang useless po pag may refund, aanhin ‘yon ng ibang estudyante? Panggagala lang nila ‘yon. On the other hand, okay naman siya (i-refund). Wala ring masama kung napagdesisyunan ng administrasyon na magbigay ng refund” saad ni Dalmacio Ang Development Fee ay ang dagdag 600 Php na sinisingil mula sa estudyante na diumano ay para sa mga proyekto ng nasabing unibersidad. -may mga kaugnay na istorya galing kina Simon Oliver Vigan, Romar Yago, Angelica Tagatac, Lhealyn Victoria, at Irah Jean Udasco CITY OF MALOLOS, Bulacan-- Natunghayan ng buong bansa ang pangalawa sa huling SONA ni President Benigno S. Aquino III na ginanap noong nakaraang Lunes, july 28, 2014, mula sa Batasang Pambansa Complex, Quezon City. Inilatag ni Pres. Aquino, o PNoy, ang ilan sa mga nakamit ng kanyang administrasyon sa larangan ng Edukasyon, Industriya at Imprastraktura, Social Welfare, at mga pagbabago sa Hukbong Sandatahan. Nagsalita rin si PNoy ukol sa mga kalagayan ng biktima ng Yolanda sa Tacloban at sa mga biktima ng Zombaonga Siege noong nakaraang Taon Sinasabi na sa apat na naunang SONA, ang ikalimang SONA ay tinuturing na pinakamahaba sapagkat ito’y tumagal ng isa’t kalahating oras. Tinagurian din na ito ang pinakaemosyonal dahil sa pagpipigil ng pangulong maluha nang mabanggit niya ang pangalan ng kanyang mga magulang na sina dating Sen. Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr. at dating pangulong Corazon ‘Cory’ Aquino. Nagkaroon ng iba’t ibang reaksyon mula sa taumbayan ukol sa nangyaring SONA. Ayon kay Jessa Grace Olesco, isang Journalism Student ng Bulacan State University, siya’y nadismaya sa SONA ni PNOy. Ayon sa kanya, maraming hindi nabanggit ang Pangulo na dapat sana’t nabanggit. “Nawala ang patungkol sa FOI, sistema ng edukasyon, pagpapanagot sa mga nagkasala sa PDAF scam, at higit lalo sa Hacienda Luisita at reporma sa lupa. Mas naging dramatic ang SONA instead of being comprehensive.” Dagdag pa ni estudyante Ayon naman kay Darla Maey Sumalinog, isang Student Intern ng Manila Bulletin, dinaan sa luha ni PNoy ang kanyang SONA upang makuha ang simpatya ng masa. “Dama na ng Pangulo ang unti-unting pagkawala ng tiwala ng taong-bayan sa kanya. Paano niya ulit makukuha ang pulso ng masa? Simpatya. Nilabas niya ulit yung mahiwagang baraha na ginamit niya para maluklok sa pwesto--Ninoy and Cory.” Pahayag ni Sumalinog. Ang sabi naman ni Marcelino Jacob, isang magsasaka ng Brgy. Balayong, City of Malolos, siya raw ay wala nang paniwala sa SONA ng Pangulo. Ang tanong niya, kung tuay diuamano ang mga paratang sa mga kaalyado ng Pangulo, bakit raw hindi napapanagot ang mga ito. Pinabulaan naman ni Jane Manzanes, isang Computer Technology Student ng Bulacan State University at isa sa mga biktima ng Bagyong Yolanda, ang mga pahayag ng Pangulo ukol sa mga ginawang pagtulong ng administrasyon sa mga nasalanta ng nasabing bagyo. Si Jane ay dating nagtatrabaho sa Tacloban nang tumama ang Yolanda sa probinsya. “Ako po ay nalulungkot dahil ang mga sinabi po niya (Pnoy) ay malayo sa katotohanan. Yung sinasabi po ng Pangulo na nasa rehabilitation phase na ang Tacloban ay di totoo, dahil marami pa rin po ang nakatira sa mga tents. Marami pa rin po ang wala pa ring bahay. Marami pa rin pong naghihirap at walang trabaho.” Ayon pa sa dalaga, “Work for Food Program”, isang programa kung saan nagbibigay ng librang pagkain sa mga nasalanta ng Yolanda kapalit ng ilang oras ng pagrerepack ng mga relief, na sinagawa ng pamahalaan noong nakaraang taon ay hindi raw epektibo sapagkat hindi naman raw binibigyan ng pagkain ang mga nagboluntaryo para sa programa na ito. Hindi raw binigyan ng pagkain ang kanyang ate, na siyang nakibahagi sa nabanggit na programa. Para naman kay Monika Kaye Agustin, isang High School teacher ng Bulacan Ecumenical School, naipalabas ng pangulo ang isa pang parte ng kanyang katauhan. Ayon sa guro, naipakita ng pangulo na siya rin ay nagiging emosyonal kung minsan, kabaligtaran ng lagi niyang pinapakitang katatagan at katapangan. Pahayag naman ni Rollyvic Tira, isang pastor ng Greenhills Christian Fellowship, positibo ang dating ng SONA para sa kanya. Ayon sa kanya, nailahad naman ng mabuti ng Pangulo ang mga naiambag ng kanyang pamumuno sa masa. “Malaking ginhawa sa aking pangaraw-araw na buhay ang pagpapatupad ng mga proyektong pang-transportasyon lalo na ung sa EDSA at Northern Luzon. Nabigyan din ako ng kompyansa sa kaniyang katatayuan sa DAP. Una sa lahat nakakapayapa ng isip na kampante siya sa katwiran nito at handa niyang ipaglaban ang kaniyang mga pinaniniwalaan” Pahayag ng pastor. |
Mga balitang bumabalangkas
sa pangaraw-araw na kasaysayan. Bea Velasco 21 Archives
November 2014
Categories
All
|