Ni Romar Yago at Bea Velasco
City of Malolos, Bulacan - Mula nang maipasa ang pangongolekta ng Development Fee o Dev Fee noong taong 2004 kada semestre, mula sa bawat mag aaral ng Bulacan State University o BulSU, ang Partido-Pagkakaisa ng Demokratikong Mag-aaral o PDM ang nanguna sa pagtutol ng nasabing paniningil. Kaya’t noong idineklara ng Commision on Higher Education, of CHED, ang Resolution No. 221 – 2012 na nagsasaad ng pagtanggal ng Dev Fee sa lahat ng State Universities at Colleges (SUC’s), isinusulong ng partido ang agarang bisa ng nasabing resolusyon. “Mula naman noong inimplement yan (Dev Fee) noong 2014, ang lagi naming sinasabi diyan ay junk. Dapat i-junk na dahil hindi dapat sa atin sinisingil and development ng school dahil subsidy siya ng government thru capital outlay.” giit ni Noemi Calanoc, isang miyemro ng PDM. Dagdag pa ni Calanoc, ayon sa pagsasaliksik ng kanilang partido, noong 2011 pa lang ay tapos nang bayaran ng unibersidad ang pagkakautang nito sa Landbank. Ngunit sa kabila nito, mula 2012 hanggang sa taong kasalukuyan ay patuloy pa rin ang paniningil ng Dev Fee, salungat sa inilabas na resolusyon ng CHED. Dahil dito, kasalukuyang iginiit ng partido ang pagrerefund ng sobrang nakolektang Dev Fee pabalik sa mga estudyante. Magsasagawa ng konsultasyon at open forums ang partido upang malaman nila ang pulso ng mga estudyante hinggil sa nasabing resolusyon. Magsasagwa rin sila ng petition signing upang mapaabot sa administrasyon ng BulSU ang pagtutol nila sa Dev Fee “Dahil tapos na bayaran yung utang at almost 10 years na siyang (Dev Fee) sinasama sa tuition fee natin at sobra pa ng one year since bayad naman na, mula sa pag aabolish, sinama na natin yung refund.” ayon kay Calanoc. Ang Development Fee ay ang dagdag na 600 Php na sinisingil mula sa mga estudyante na diumano ay para sa mga proyekto ng nasabing unibersidad.
0 Comments
Your comment will be posted after it is approved.
Leave a Reply. |
Mga balitang bumabalangkas
sa pangaraw-araw na kasaysayan. Bea Velasco 21 Archives
November 2014
Categories
All
|